Mga Kuwento ng Tagumpay

Si Khadaffy Janjalani (Namatay na)

Pagdukot at Pagpatay sa mga Amerikano sa Pilipinas

Ang RFJ ay nagbayad ng gantimpalang may kabuuang $5 milyon sa maraming indibidwal na nagbigay ng impormasyon tungkol sa pinuno ng Abu Sayyaf Group (ASG) na si Khadaffy Janjalani. Noong Hunyo 7, 2007, pinamunuan ng Embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas ang pagprisinta ng gantimpala sa mga indibidwal sa isang pampublikong seremonya sa isla ng Jolo. 

Si Khadaffy Janjalani ay isa sa mga pinunong may pinakamataas na ranggo sa teroristang organisasyong nakabase sa Pilipinas na ASG. Si Janjalani ay responsable sa mga pagdukot at pagpatay sa mga Pilipino at mamamayan ng Estados Unidos. Naugnay siya sa mga pagdukot kina Martin at Gracia Burnham at dalawang iba pang mamamayan ng Estados Unidos at direktang responsable sa pagpugot ng ulo ng mamamayan ng Estados Unidos na si Guillermo Sobero. Pinlano at inilunsad din ni Janjalani ang maraming pag-atake laban sa mga interes ng Estados Unidos, kabilang ang mga pagtatangka laban sa Embahada ng Estados Unidos sa Maynila, pagpapalubog sa Superferry 14 noong Pebrero 2004, at ang tripleng pagbomba noong Araw ng mga Puso noong 2005 na kung saan ay sa kabuuan, namatay at nasugatan ang daan-daang inosenteng indibidwal. 

Noong Setyembre 4, 2006, ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, habang kumikilos nang ayon sa impormasyong ibinigay ng mga ilang indibidwal, ay naglunsad ng operasyon upang hulihin si Janjalani. Sa panahon ng operasyon, iniulat na malubhang nasugatan si Janjalani ngunit nakatakas. Sa mga sumunod na buwan, lumabas ang mga bali-balita sa pagkamatay ni Janjalani. Sa huling bahagi ng Enero 2007, dalawang indibidwal ang lumapit na may dalang impormasyon tungkol sa kung saan matatagpuan ang katawan ni Janjalani. Pagkatapos maisagawa ang mga pagsusuri sa DNA, kinumpirma ng FBI na si Janjalani, sa katunayan, ay namatay na. Ang lahat ng impormasyong ibinigay ng mga indibidwal na ito ay napatunayang mahalaga sa paghanap at pagtukoy kay Janjalani. 

Skip to content