Pagdukot at Pagpatay sa mga Amerikano sa Pilipinas

Ang RFJ ay nagbayad ng gantimpalang $1 milyon para sa impormasyong nauwi sa pagkakahanap sa komandante ng Abu Sayyaf Group (ASG) na si Hamsiraji Sali.
Si Hamsiraji Sali ay sangkot sa pagdukot ng ASG kay Jeffrey Schilling noong Agosto 28, 2000 at sa insidente ng pagdukot sa Dos Palmas noong Mayo 27, 2001. Bilang kapalit ng pagpapalaya kay Jeffrey Schilling, hiningi ng ASG ang $10 milyon at ang pagpapalaya sa tatlong pandaigdigang terorista mula sa mga bilangguan ng Estados Unidos: ang mga operatiba ng al-Qa’ida na sina Ramzi Yousef, Wali Khan, and Omar Abd al-Rahman (kilala rin bilang “ang Bulag na Sheikh”) ang espiritwal na lider ng teroristang grupo ng Ehipto na si al-Gama’at al-Islamiyya.
Noong Abril 12, 2001, matagumpay na natakasan ni Jeffrey Schilling ang mga bumihag sa kanua sa panahon ng paglusob ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa kampo ng ASG kung saan siya binihag at ipinabalik sa Estados Unidos.
Noong Mayo 27, 2001, dinukot ng ASG ang tatlong mamamayan ng Estados Unidos mula sa Dos Palmas Resort sa Palawan sa Pilipinas. Ang tatlong Amerikano ay tinukoy bilang sina Guillermo Sobero at Martin at Gracia Burnham, mag-asawang misyonaryo ng Estados Unidos. Noong Hunyo 11, 2001, inanunsyo ng tagapagsalita ng ASG na si Abu Sabaya na pinatay na si Guillermo Sobero bilang “regalo sa kaarawan” para kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas. Noong Oktubre 7, 2001, may nakuhang bungo ng isang tao sa Isla ng Basilan, na nakumpirmang kay Guillermo Sobero. Noong Hunyo 2002, namatay si Martin Burnham sa barilan sa pagitan ng mga Pilipinong sundalo at ASG; nasugatan si Gracia Burnham ngunit nailigtas at naibalik sa Estados Unidos.
Noong Pebrero 2002, si Sali ay nasakdal ng mga hurado ng pederal na pamahalaan ng Estados Unidos sa District of Columbia sa mga sumusunod na bilang ng krimen: Pakikisabwatang Nagresulta sa Kamatayan, Pagkuha ng Bihag at tatlong beses na Pagkuha ng Bihag na Nagresulta sa Kamatayan. Noong Abril 8, 2004, ang mga Scout Ranger ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na kumilos nang ayon sa impormasyong ibinigay ng maraming impormante, ay naglunsad ng operasyon para mahuli si Sali, na napatay sa pakikipagbarilan sa mga sundalo.
Magsumite ng Tip
Gawin ang iyong bahagi. Lumikha ng mas ligtas na mundo at mas magandang kinabukasan. I-click para matutunan ang tungkol sa mga opsyon ng Rewards for Justice sa pag-uulat ng tip.
- Mga Pagbihag/Pagdukot
- North Korea
- Pakikialam sa Eleksyon
