Pagdukot sa mga Amerikano sa Colombia

Ang RFJ ay nagbayad ng gantimpalang may kabuuang $900,000 sa tatlong indibidwal na nagbigay ng impormasyon sa pagkakahanap kay Edgar Navarro, komandante ng Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC, Rebolusyonaryong Sandatahang Lakas ng Colombia).
Noong Pebrero 2003, sina Thomas Howes, Keith Stansell, at Marc Gonsalves ay tinangay bilang mga bihag ng FARC noong bumagsak ang kanilang eroplano ng Estados Unidos sa kagubatan ng Colombia. Pinatay ng FARC at ng mga kasabwat nito ang dalawa pang pasahero ng eroplano na sina Thomas Janis, mamamayan ng Estados Unidos at Sarhento Luis Alcides Cruz, mamamayan ng Colombia.
Si Navarro, ang deputadong komandante ng Teofilo Forero Mobile Column ng FARC ay pinaghihinalaang sangkot sa pagdukot.
Noong Oktubre 19, 2003, tatlong impormanteng naudyukan ng posibilidad ng gantimpala, ay pinamunuan ang pangkat ng mga sundalo ng Colombia papunta sa kampo ni Navarro sa pagtatangkang hulihiin siya at ang iba pang mga miyembro ng FARC. Si Navarro ay napatay sa pakikipagbarilan sa mga sundalo. Pagkatapos ay nailigtas ang mga Amerikano noong Hulyo 2, 2008 sa isang operasyong militar ng Colombia.
Magsumite ng Tip
Gawin ang iyong bahagi. Lumikha ng mas ligtas na mundo at mas magandang kinabukasan. I-click para matutunan ang tungkol sa mga opsyon ng Rewards for Justice sa pag-uulat ng tip.
- Mga Pagbihag/Pagdukot
- North Korea
- Pakikialam sa Eleksyon
