Pagpatay sa Apat na Amerikano noong 2012, kabilang ang embahador ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya
Binayaran ng RFJ ng $3 milyon ang isang indibidwal na nagbigay ng impormasyon na nauwi sa pag-aresto at paghatol sa pinuno ng terorista na si Ahmed Abu Khattalah, utak sa pag-atake sa Espesyal na Misyon ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya noong 2012 na pumatay sa apat na Amerikado, kabilang ang embahador ng Estados Unidos.
Gamit ang impormasyong ibinigay ng pinagmulan ng impormasyon, nahuli si Khatallah noong Hunyo 15, 2014 sa Libya at dinala sa Estados Unidos para litisin. Noong Nobyembre 18, 2017, siya ay natagpuang nagkasala sa mga kasong nauugnay sa pag-atake, at noong Hunyo 27, 2018, siya ay hinatulan ng 22 taong pagkakabilanggo. Pinananatili ng RFJ ang gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong maghahatid sa kaparusahan ng mga indibidwal na responsable sa pag-atake sa Benghazi.
Magsumite ng Tip
Gawin ang iyong bahagi. Lumikha ng mas ligtas na mundo at mas magandang kinabukasan. I-click para matutunan ang tungkol sa mga opsyon ng Rewards for Justice sa pag-uulat ng tip.
- Mga Pagbihag/Pagdukot
- North Korea
- Pakikialam sa Eleksyon
