Pagdukot at Pagpatay sa mga Amerikano sa Pilipinas

Ang RFJ ay nagbayad ng gantimpalang $5 milyon sa dalawang indibidwal na nagbigay ng impormasyon tungkol sa pinuno ng Abu Sayyaf Group (ASG) na si Abu Solaiman. Noong Hunyo 7, 2007, pinamunuan ng Embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas ang pagprisinta ng gantimpala sa mga indibidwal sa isang pampublikong seremonya sa isla ng Jolo.
Si Abu Solaiman ay isa sa mga pinunong may pinakamataas na ranggo sa ASG, isang teroristang organisasyon sa Pilipinas. Si Solaiman, kasama sina Khadaffy Janjalani, ay responsable sa mga pagdukot at pagpatay sa mga mamamayang Pilipino at Amerikano. Naugnay si Solaiman sa mga pagdukot kina Martin at Gracia Burnham at dalawang iba pang mamamayan ng Estados Unidos at nakibahagi sa pagpugot ng ulo ng mamamayan ng Estados Unidos na si Guillermo Sobero. Pinlano at inilunsad din ni Solaiman ang mga pag-atake laban sa mga interes ng Estados Unidos, gaya ng mga pagtangkang pagbobomba laban sa Embahada ng Estados Unidos sa Maynila, pagpapalubog sa Superferry 14 noong Pebrero 2004, at ang tripleng pagbomba noong Araw ng mga Puso noong 2005 na kung saan ay sa kabuuan, namatay at nasugatan ang daan-daang inosenteng indibidwal.
Noong Enero 16, 2007, ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, habang kumikilos nang ayon sa impormasyong ibinigay ng mga impormante, ay naglunsad ng operasyon upang hulihin si Solaiman. Sa panahon ng pag-atake, si Solaiman ay lumaban at napatay.
Magsumite ng Tip
Gawin ang iyong bahagi. Lumikha ng mas ligtas na mundo at mas magandang kinabukasan. I-click para matutunan ang tungkol sa mga opsyon ng Rewards for Justice sa pag-uulat ng tip.
- Mga Pagbihag/Pagdukot
- North Korea
- Pakikialam sa Eleksyon
