Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $3 milyon para sa impormasyon tungkol kay Zerrin Sari na kilala rin bilang si Fatma Gulten at Hale Melis. Si Sari ay isang pangunahing lider sa Revolutionary People’s Liberation Party/Front (DHKP/C), isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) na umatake sa mga pasilidad at kawani ng pamahalaan ng Turkey, pati na rin sa militar at diplomatikong pasilidad ng Estados Unidos mula pa noong dekada 90. Layunin ng DHKP/C ang mapatalsik ang presensya ng Estados Unidos at NATO sa Turkey at magtatag ng isang sosyalistang estado.
Bagaman nakulong si Sari dahil sa kanyang mga aktibidad, siya ay pinalaya noong 2008 pagkatapos mamatay ng kanyang asawang si Dursun Karatas, ang miyembrong tagapagtatag ng DHKP/C. Siya ay pinaniniwalaang may ginampanang mahahalagang papel sa mga pag-atake sa punong-tanggapan ng Justice and Development Party (AKP) at sa Turkish Ministry of Justice sa Ankara noong Marso 2013, kung saan isang tao ang nasugatan, at noong Setyembre 20, 2013, sa mga pag-atake sa mga punong-tanggapan ng pulisya ng Turkey at complex ng pabahay ng pulisya sa Ankara.
