Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $3 milyon para sa impormasyon tungkol kay Ezedin Abdel Aziz Khalil na mas kilala bilang si Yasin al-Suri.
Si Al-Suri ay isang tagapangasiwa ng al-Qa’ida (AQ) na nakabase sa Iran. Inilipat ni al-Suri ang pera at mga rekrut mula sa buong Gitnang Silangan patungo sa Iran, at pagkatapos ay sa Pakistan, upang suportahan ang nakakataas na pamunuan ng AQ. Ang mga awtoridad ng Iran ay nagpapanatili ng ugnayan kay al-Suri at pinahintulutan siyang magpatakbo sa loob ng mga hangganan ng Iran mula pa noong 2005. Si al-Suri ay dating inaresto ng mga awtoridad ng Iran noong Disyembre 2011 pagkatapos ianunsyo ng Rewards for Justice ang handog na gantimpalang humihingi ng impormasyon tungkol sa kanya.
Noong Hulyo 28, 2011, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si al-Suri bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni al-Suri na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay al-Suri. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa AQ, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).
