Revolutionary Organization 17 November (17N)

Europa at Eurasya

Gantimpala

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Revolutionary Organization 17 November (17N) ay itinatag noong 1975 bilang isang radikal na makakaliwang grupo. Sinikap ng grupong mapatalsik ang mga base militar ng Estados Unidos sa Greece, pag-alis ng puwersang militar ng Turkey sa Cyprus, at pagputol ng ugnayan ng Greece sa NATO at sa European Union. Responsable ang 17N sa maraming gawang terorismo sa Greece, kabilang ang mga pagbaril, pag-atakeng gamit ang rocket, at pagbomba ng sasakyan. Ang kampanyan ng pananakot ng grupo ay nagresulta sa mga pagkamatay ng apat na Amerikano: Sina William Nordeen, Ronald Stewart, George Tsantes, at Richard Welch. Isang produkto ng 17N ang umamin ng responsibilidad para sa pag-atakeng ginamitan ng rocket-propelled na granada noong Enero 12, 2007 sa Embahada ng Estados Unidos sa Athens.

Noong Oktubre 8, 1997, itinalaga ng U.S. Department of State ang 17N bilang isang Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong Setyembre 3, 2015, binawi ng Department of State ang pagkakatalaga sa 17N bilang isang FTO.

Skip to content