Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyong maghahatid sa mga responsable sa pagdukot ng mamamayan ng Estados Unidos na so Ihsan Ashour noong Disyembre 13, 2019 sa Baghdad.
May hawak na dalawang pagkamamamayang Amerikano-Iraqi si Ashour at nasa Iraq para sa personal na pakay. Siya ay dinukot ng humigit-kumulang 10 armadong kalalakihang nakasuot ng maskara at itim na pananamit sa Distrito ng al-Sha’ab na malapit sa Lungsod ng Sadr noong panahon ng malaking demonstrasyon sa Tahrir Square ng kapitolyo. Ang mga dumukot sa kanya ay sinakal, hinampas, at kinuryente ang kanyang katawan bago siya itawid sa hangganan patungong Iran. Sa Iran, isang pang grupo ng mga bumihag ang nagbigay ng interogasyon kay Ashour tungkol sa mga diumanong aktibidad na pang-eespiya. Pagkatapos matukoy na hindi siya isang espiya, ibinalik si Ashour ng mga bumihag sa kanya sa Iraq kung saan patuloy siyang pinahirapan at binigyan ng interogasyon. Siya ay pinalaya noong Mayo 2020, at bumalik sa kanyang tahanan sa Estados Unidos.
