Pagdukot at Pagpatay kay Peter Kilburn

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa pagdukot at pagpatay kay Peter Kilburn. Si Kilburn ay isang taga-ingat aklatan sa American University of Beirut. Noong Diyembre 3, 1984, siya ay iniulat na nawawala. Labing-anim na buwan pagkatapos, ang kanyang bangkay ay natagpuan kasama ang mga bangkay ng dalawang iba pang nabihag. Ang mga biktima ay binaril at pagkatapos ay tinapon sa mga kabunduhang nasa silangan ng Beirut. Si Kilburn ay isa sa 100 biktima na karamihan ay mga taga-Kanlurang dinukot at binihag ng Hizballah at mga teroristang nauugnay sa Hizballah noong panahon ng isang dekadang krisis ng pagbihag sa Lebanon.

Skip to content