Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa pagbomba sa World Trade Center sa Lungsod ng New York noong 1993. Noong Pebrero 26, 1993. pinasabog ng mga terorista ang 1,500-pound na bombang trak sa garaheng paradahan sa ilalim ng World Trade Center. Sa pagsabog namatay ang anim na katao, kasugatan ang mahigit 1,000 iba pa, at nagdulot ng daan-daang milyon sa pagkawasak.

Isang grupo ng mga indibidwal na may kaugnayan sa al-Qa’ida (AQ), kabilang sina Abdul Rahman Yasin at Ramzi Yousef, ang nagplano ng pag-atake. Si Khalid Sheikh Mohammed, isang miyembrong may mataas na ranggo sa AQ at ang tiyo ni Yousef ang nagbigay ng pagpopondo para sa operasyon. Inasahan ng mga salarin na mapapabagsak ng bomba ang isang gusali, kung saan ang mga bumabagsak na debris ay magpapatumba sa ikalawang gusali. Anim na kasabwat, kabilang ang utak nito na si Ramzi Yousef, ay inaresto, nilitis, at hinatulan ng habang-buhay na pagkabilanggo. Ang ikapitong nagtangka na si Abdul Rahman Yasin (hyperlink), ay nananatiling pinaghahanap.
