Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa pagbomba sa Kuwartel ng U.S. Marine Corps noong 1983 sa Beirut, Lebanon. Noong Oktubre 23, 1983, isang bomba sa trak ang sumabog sa tirahang compond ng mga miyembro ng Multinational Force ng Estados Unidos at France sa Lebanon sa Beirut International Airport. Ang Multinational Force ay nasa Lebanon bilang bahagi ng pandaigdigang pagsusumikap sa paghahangad ng kapayapaan. Ang pag-atake ay pumatay sa 241 tauhang militar ng Estados Unidos at sinugatan ang 128. Kalaunan sa araw na iyon, 58 sundalong Prances ang napatay sa katulad na pag-atake. Ang Hizballah ay pinaniniwalaang nag-organisa ng mga pag-atake na kumikilos nang may suporta at pagpopondong mula sa Iran.

