Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa pagbomba sa Hebre University sa Jerusalem noong Hulyo 31, 2002. Siyam na katao, kabilang ang limang Amerikano, ang napatay at 85 ang nasugatan noong sumabog ang isang bomba sa cafeteria ng Hebrew University. Ang mga umatake ay kumilos nang ayon sa mga utos na mula sa mga lider ng teroristang grupong Hamas.
