Pag-atake sa mga Terorista sa Bwindi Park, Uganda

Aprika – Sub-Sahara

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa pag-atake sa mga turista noong 1999 sa Bwindi, Park, Uganda.

Noong Marso 1, 1999, inatake ng mga miyembro ng Liberation Army of Rwanda (ALIR) ang mga hindi armadong turista at ang kanilang mga giya sa Bwindi Impenetrable National Park sa Uganda. Inatake ang grupo ng mga turistang ito, binihag, at pinuwersang magmartsa patungo sa Democratic Republic of Congo. Isang taga-Uganda na si Paul Ross Wagaba ay sinunog nang buhay. Walo sa mga biktima, kabilang ang mga Amerikanong sina Susan Miller at Robert Haubner, ay binugbog hanggang mamatay.

Isang sulat-kamay na liham ang ibinigay ng lider ng mga umatake sa mga nakaligtas, na nagpapahayag na ang pag-atake ay upang magpahatid ng mensahe sa Estados Unidos at sa ibang bansa na tumigil sa pagsuporta sa pamahalaan ng Rwanda.

Skip to content