Pag-atake sa Manda Bay Airfield, Kenya

Aprika – Sub-Sahara

Gantimpala

Hanggang 10 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol kay Maalim Ayman at sinumang iba pang indibidwal na responsable sa teroristang pag-atake noong Enero 5, 2020 sa Manda Bay Airfield, Kenya. Ang pasilidad ng Manda Bay ay base militar ng Kenya Defense Forces na ginagamit ng sandatahang lakas ng U.S. upang magbigay ng pagsasanay at suporta laban sa terorismo upang suportahan ang kasama sa East Africa, rumesponde sa mga krisis, at protektahan ang mga interes ng U.S. sa rehiyon.

Noong mga oras bago magbukang-liwayway, naglunsad ang mga militante ng al-Shabaab ng mga balang mortar sa mga posisyon ng Kenya at U.S. sa loob ng base at magkasabay na nagpasabog ng mga may rocket na granada (mga RPG) at nagpaputok ng maliliit na armas sa kalapit na Manda Bay Airfield. Dalawang kontratistang pilotong DoD, parehong mamamayan ng U.S., ang napatay noong natamaan ang kanilang militar na sasakyang panghimpapawid ng mga RPG sa tarmac ng paliparan. Ang pangatlong kontratistang DOD, na mamamayan din ng U.S., ay nakaligtas sa pagsabog na may malulubhang pinsala sa katawan. Isang specialist ng Hukbong Katihan ng U.S. na gumaganap bilang air traffic controller ay napatay sa nasabing putukan, at dalawang iba pang service member na mamamayan ng U.S. ang nasugatan.

Sa video na inilabas ng opisyal na Ahensya ng Pagbabalita ng al-Shabaab pagkatapos, inako ng tagapagsalita ng grupo ang responsibilidad sa pag-atake.

Si Maalim Ayman, lider ng Jaysh Ayman, isang yunit ng al-Shabaab na nagsasagawa ng mga teroristang pag-atake at operasyon sa Kenya at Somalia, ang responsable sa paghahanda ng pag-atake noong Enero 2020. Noong Nobyembre, 2020, itinalaga ng Department of State si Ayman bilang isang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito.

Ang Al-Shabaab — pangunahing kaakibat ng al-Qa’ida sa East Africa — ay responsable sa maraming teroristang pag-atake sa Kenya, Somalia, at mga kalapit na bansa na pumatay sa libu-libong katao, kabilang ang mga mamamayan ng U.S.. Itinalaga ng Department of State ang al-Shabaab bilang isang Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon) at Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) noong Marso 2008. Noong Abril 2010, itinalaga rin ang al-Shabaab ng Somalia Sanctions Committe (Komite ng Pagpaparusa ng Somalia) ng UNSC alinsunod sa talata 8 ng resolusyon 1844 (2008).

Skip to content