Pag-atake sa Asasey Hotel

Aprika – Sub-Sahara

Gantimpala

Hanggang 10 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon ng sinumang indibidwal na may pananagutan sa pag-atake noong 2019 sa Asasey Hotel sa Kismayo, Somalia.

Noong Hulyo 12, 2019, isang al-Shabaab na suicide bomber ang nagpasabog ng ginawang aparatong pasabog na lulan ng sasakyan sa naka-gate na Asasey Hotel, na nakapagpapasok sa iba pang mga teroristang al-Shabaab sa pasilidad. Pinatay ng mga umatake ang 26 na katao, kabilang ang dalawang Amerikano, at malubhang napinsala ang 56 na iba pa. Napatay ng mga puwersang panseguridad ng Somalia ang apat na umatake.

Responsable ang Al-Shabaab sa maraming teroristang pag-atake sa Kenya, Somalia, at mga kalapit na bansa na pumatay sa libu-libong katao, kabilang ang mga mamamayan ng U.S. Itinalaga ng Department of State (Kagawaran ng Estado) ang al-Shabaab bilang Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon) at Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) noong Marso 2008. Noong Abril 2010, itinalaga rin ng Somalia Sanctions Committee ng UN Security Council ang al-Shabaab alinsunod sa talata 8 ng resolusyon 1844 (2008).

Skip to content