Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga mekanismong pampinansyal ng Hizballah. Si Muhammad Qasim al-Bazzal na kilala rin bilang si Mohamad Bazzal at Mu’In, ay ang pangunahing opisyal ng Hizballah na ang mga responsibilidad ay kinabibilangan ng pagbalanse sa pinansyal na pagtutuos sa pagitan ng Hizballah at ng Islamic Revolutionary Guard Corps-Qods Force (IRGC-QF).
Si Al-Bazzal ay ang kasamang tagapagtatag ng pangharap na kumpanyang Talaqi Group nakabase sa Syria at pinangangasiwaan ang iba pang mga negosyong nagpipinansya sa terorismo, gaya ng Hokoul S.A.L. Offshore at Nagham Al Hayat. Bilang tagapangulo ng lupon ng mga direktor ng Talaqi Group, pinangangasiwaan ng al-Bazzal ang mga pinansya, pamamaraan, administrasyon, at kontrata. Mula pa noong 2018 ay ginagamit ni al-Bazzal ang Talaqi Group at ang iba pang kumpanya niya upang pinansyahan, pag-ugnayin, at ikubli ang iba’t ibang ilegal na pagluluwas ng langis na nauugnay sa IRGC-QF. Pinangasiwaan din ni al-Bazzal ang pakikipagsosyo ng Talaqi Group sa ALUMIX na nakabase sa Lebanon para sa mga pagluluwas ng aluminyo sa Iran.
Noong Nobyembre 20, 2018, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si al-Bazzal bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni al-Bazzal na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay al-Bazzal. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa Hizballah, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon). Noong Setyembre 4, 2019, itinalaga rin ng Department of the Treasury ang Hokoul S.A.L. Offshore, Talaqi Group, Nagham Al Hayat, at ALUMIX dahil sa pagiging pag-aari o kontrolado ng al-Bazzal.
