Muhammad Ahmad ‘Abd Al-Dayim Nasrallah

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 10 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga pinansyal na mekanismo ng teroristang organisasyong Hamas, na kilala rin bilang Harakat al-Muqawama al-Islamiya.

Si Muhammad Ahmad ‘Abd Al-Dayim Nasrallah ay isang matagal nang operatiba ng Hamas na nakabase sa Qatar na may malapit na ugnayan sa mga entidad ng Iran. Naging sangkot siya sa paglipat ng milyun-milyong dolyar sa Hamas, kabilang ang sangay ng militar ng Hamas na mga Brigada ng Izz al-Din al-Qassim.

Noong Oktubre 18, 2023, itinalaga ng U.S. Department of Treasury (Kagawaran ng Pananalapi ng U.S.) si Nasrallah bilang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) sa ilalim ng Executive 13224, ayon sa pagkakaamyenda rito. Ang pagtatalagang iyon ay humahadlang sa mga pag-aari ng mga dayuhang indibidwal at entidad na nagsasagawa, o nagiging malaking banta sa paggawa, ng mga akto ng terorismo. Bukod dito, inaawtorisahan ng Utos ang pamahalaan ng U.S. na hadlangan ang mga pag-aari ng mga indibidwal at entidad na nagbibigay ng suporta, mga serbisyo, o tulong sa, o sa ibang paraan ay nauugnay sa, mga terorista at teroristang organisasyon na itinalaga sa ilalim ng Utos, pati na rin ang mga subsidyaryo nito, pangharap na organisasyon, ahensya, at kaanib.

Skip to content