Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Muhammad Abdullah Khalil Hussain ar-Rahayyal na kilala rin bilang si Khalil Antwan Iwan at Khalil Alid. Si ar-Rahayyal, ang pinaghihinalaang miyembro ng teroristang grupong Abu Nidal Organization, ay pinaghahanap para sa kanyang papel sa pag-hijack sa Pan Am Flight 73 noong Setyembre 5, 1986 sa Karachi, Pakistan. Pagkatapos gawing bihag ang 379 pasahero at mga tauhan ng halos 16 na oras, sinimulan ng mga hijacker ang walang patumanggang pamamaril. Dalawampung katao, kabilang ang dalawang Amerikano, ang napatay at mahigit 100 ang nasugatan.
Para sa kanyang papel sa pag-hijack, si ar-Rahayyal ay isinakdal ng pederal na grand jury ng Estados Unidos at nasa Listahan ng mga Teroristang Mahigpit na Pinaghahanap ng FBI. Si Ar-Rahayyal ay malamang na naninirahan sa Gitnang Silangan.
