Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol kay Mohamoud Abdi Aden, lider ng teroristang grupong al-Shabaab na tumulong sa pagpaplano ng pag-atake noong Enero 15, 2019 sa DusitD2 Hotel complex sa Nairobi, Kenya. Noong panahong iyon, inatake ng mga armadong kalalakihan ng al-Shabaab na may mga pasabog, awtomatikong armas, at granada ang pangkomersyong sentro ng DusitD2, isang komplex na may 6 na gusali na may mga tindahan, opisina, at isang hotel. Hindi bababa sa 21 katao, kabilang ang isang mamamayan ng U.S., ang napatay sa pag-atake.
Noong Oktubre 2022, itinalaga si Aden ng Department of State bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order (E.O.) 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito.
