Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Mohammed Ali Hamadei na kilala rin bilang si Ali Hamadei at Castro. Si Hamadei, isang diumanong miyembro ng Hizballah, ay pinaghahanap dahil sa kanyang papel sa pag-hijack sa TWA Flight 847 noong 1985.
Noong Hunyo 14, 1985, hinaijack ng mga terorista ang TWA Flight 847 noong lumilipad ito mula Athens patungong Rome. Sa mahigit 17 araw, ang eroplano ay pinilit na magkrus sa Mediteraneo habang sakay ang 153 pasahero at mga miyembrong tauhan, mula Beirut patungong Algiers at pabalik, na lumapag sa Beirut ng tatlong beses. Sa unang paglapag sa Beirut, binugbog nang husto at pagkatapos at binaril at pinatay ng mga hijacker ang U.S. Navy diver na si Robert Stethem.
Noong Nobyembre 14, 1985, si Hamadei ay isinakdal sa kanyang papel at pakikibahagi sa pag-hijack. Siya ay inaresto sa Frankfurt Airport noong Enero 13, 1987. Ang Estados Unidos ay nanghingi ng ekstradisyon, ngunit ang Federal Republic of Germany ay nagpasyang usigin si Hamadei sa Germany at, noong Mayo 1989, ay hinatulan siya sa pagpatay, pagbihag, pag-atake, at pag-hijack. Si Hamadei ay hinatulan ng panghabang-buhay na pagkabilanggo. Ngunit noong Disyembre 15, 2005, pinalaya siya sa pagkakakulong. Si Hamadei ay bumalik sa Beirut na pinaniniwalaang kanyang kinaroroonan.
Noong Oktubre 12, 2001, itinalaga ng U.S. Department of State si Hamadei bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Hamadei na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Hamadei. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa Hizballah, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon). Si Hamadei ay nasa Listahan ng mga Teroristang Mahigpit na Pinaghahanap ng FBI.
