Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa mga mga pagpatay sa Union Texas Petroleum (UTP) Noong Nobyembre 12, 1997, apat na empleyado ng UTP ang papunta sa kanilang trabaho sa Karachi, Pakistan. Habang tumatawid ang kanilang station wagon sa isang tulay na patungo sa gusaling tanggapan ng UTP, dalawang armadong lalaki ang tumalon mula sa pulang Honda Civic at pinaputukan ang sasakyan. Lahat ng apat na empleyado, pati na rin ang nagmamanehong Pakistani ay napatay sa pag-atake.
Ang pag-atake ay maaaring paghihiganti sa paghatol ng pederal na hukom sa Estados Unidos kay Mir Aimal Kansi dalawang araw lamang ang nakakaraan. Si Kansi ay responsable sa pagpatay sa dalawang empleyado ng CIA noong 1993 sa labas ng punong-tanggapan ng ahensya sa Langley, Virginia.
