Pag-atake sa World Trade Center at Pentagon (9/11)

Kanlurang Emisperyo

Gantimpala

Hanggang 25 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $25 milyon para sa impormasyon tungkol sa mga pag-atake sa World Trade Center at Pentagon noong Setyembre 11, 2001. Labing-siyam na terorista na nauugnay sa al-Qa’ida (AQ) ay hinaijack ang apat na pangkomersyong eroplanong papuntang California, na nagmumula sa tatlong magkakaibang paliparan sa silangang Estados Unidos. Pinabagsak ng mga terorista ang dalawang eroplano sa mga pangunahing gusali ng World Trade Center sa Lungsod ng New York, New York, at ang pangatlo sa kanlurang bahagi ng Pentagon sa Arlington, Virginia. Ang pang-apat na eroplano ay bumagsak malapit sa Shanksville, Pennsylvania, habang sinubukan ng mga pasaherong pangunahan ang mga nag-hijack. Sa pangkalahatan, ang mga pag-atake ay pumatay sa halos 3,000 mamamayan ng mga bansa sa buong mundo. Ang namatay na ngayong lider ng AQ na si Usama bin Ladin, ay umamin ng responsibilidad sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga pag-atakeng iyon sa isang mensahe sa video pagkatapos ng mga pangyayaring ito.

Ang unang dalawang eroplanong lumipad mula sa Boston Logan International Airport, ay hinaijack at bumagsan sa mga pangunahing gusali ng World Trade Center sa Lungsod ng New York. Ang epekto ng mga eroplanong ito at ang mga sunog pagkatapos mula sa nasusunog na gatong mula sa jet ay sumira sa mga estruktura ng gusali sa puntong babagsak na ito. Ang pag-atake sa mga gusali ay pumatay sa mahigit 2,600 katao.

Ang ikatlong eroplano, na lumipad mula sa Washington Dulles International Airport, ay hinaijack at bumagsak sa timog-kanlurang bahagi ng Pentagon kalahating oras lamang pagkatapos bumangga ang pangalawang eroplano sa World Trade Center. Ang pagbagsak ay pumatay sa lahat ng pasahero sa eroplano, 125 katao sa loob ng gusali, at malubhang sinira ang estruktura.

Ang ikaapat na eroplano ay lumipad mula Newark International Airport at malamang na papunta sana sa U.S. Capitor o sa White House. Ngunit, nilabanan ng mga pasahero ang mga terorista para makontrol ang eroplano. Dahil sa magigiting na mamamayang ito, hindi kailanman naisakatuparan ng mga terorista ang kanilang mithiin at ang eroplano ay bumagsak malapit sa Shanksville, Pennsylvania na pumatay sa lahat ng sakay na 40 katao.

Ang mga pag-atake ay ang pinakanakakasirang pagsalakay sa Estados Unidos ng isang tagalabas na puwersa mula pa noong 1941 sa Pearl Harbor.

Skip to content