Mga Pag-atake sa Mumbai noong 2008

Timog at Gitnang Asya

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa mga pag-atake sa Mumbai noong 2008. Simula noong Nobyembre 26, 2008, at nagpapatuloy hanggang Nobyembre 29, 2008, 10 indibidwal na sinanay ng Lashkar-e Tayyiba (LeT), isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon), ang nagsagawa ng serye ng pinag-ugnay-ugnay na mga teroristang pag-atake laban sa maraming pinupuntirya sa Mumbai, India na pumatay sa 166 na katao. Anim na Amerikano ang napatay sa panahon ng tatlong-araw na paglusob: Sina Ben Zion Chroman, Gavriel Holtzberg, Sandeep Jeswani, Alan Scherr, Naomi Scherr, at Aryeh Leibish Teitelbaum. Ang mga pangunahing miyembro ng karumal-dumal na plano ay nananatiling pinaghahanap, at nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon.

Sina David Coleman Headley at Tahawwur Rana ay isinakdal sa pederal na hukuman ng Estados Unidos sa kanilang pagsuporta sa mga operasyong terorismo ng LeT. Noong Marso 2010, si Headley, isang mamamayan ng Estados Unidos, ay umaming nagkasala sa 12 kasong inihain laban sa kanya pagkatapos ng kanyang pagkaaresto noong Oktubre 2009. Noong Enero 2013, si Headley ay sinentensyahan ng 35 taong pagkakabilanggo para sa mga krimen ng pederal na terorismo na nauugnay sa kanyang papel sa pagplano ng mga pag-atake sa Mumbai at ang kasunod na iminungkahing pag-atake sa isang pahayagan sa Denmark. Si Rana, isang mamamayan ng Canada at matagal nang kaibigan ni Headley, ay sinentensyahan ng 14 na taong pagkakabilanggo dahil sa pakikipagsabwatang magbigay ng materyal na suporta sa planong terorismo sa Denmark at pagbibigay ng materyal na suporta sa LeT.

Ang mga sumusunod na suspek ay isinakdal din sa pederal na hukuman ng Estados Unidos:

  • Sajid Mir, tagapamahala ng proyekto para sa mga pag-atake noong Nobyembre 2008, idinirekta ang pagpaplano, paghahanda, at pagsasagawa ng mga pag-atake;
  • Major Iqbal, isang residente ng Pakistan na sangkot sa pagpaplano at pagpopondo ng mga pag-atakeng isinagawa ng LeT;
  • Abu Qahafa, isang residente ng Pakistan at kasama ng LeT associate, na sinanay ang iba pa sa mga teknik sa pakikipalabang ginagamit sa mga teroristang pag-atake; at
  • Mazhar Iqbal na kilala rin bilang si Abu al-Qama, isang residente ng Pakistan at komandante ng LeT.
Skip to content