Maalim Ayman

Aprika – Sub-Sahara

Gantimpala

Hanggang 10 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol kay Maalim Ayman, lider ng Jaysh Ayman, isang yunit ng al-Shabaab na nagsagawa ng mga teroristang pag-atake sa Kenya at Somalia. Noong Enero 5, 2020, inatake ng mga terorista ng al-Shabaab ang mga tauhan ng Kenya at U.S. sa Manda Bay Airfield, Kenya na pumatay sa dalawang kontratistang piloto ng U.S. at specialist ng Hukbong Katihan ng U.S. na gumaganap bilang air traffic controller. Nasugatan ang pangatlong kontratista ng U.S. at dalawang iba pang service member ng U.S. sa pag-atake.

Responsable si Maalim Ayman sa paghahanda sa pag-atake noong Enero 2020. Noong Nobyembre, 2020, itinalaga ng Department of State si Ayman bilang isang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito.

Ang pasilidad ng Manda Bay ay base militar ng Kenya Defense Forces na ginagamit ng sandatahang lakas ng U.S. upang magbigay ng pagsasanay at suporta laban sa terorismo upang suportahan ang kasama sa East Africa, rumesponde sa mga krisis, at protektahan ang mga interes ng U.S. sa rehiyon.

Skip to content