Khalil Yusif Harb

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Khalil Yusif Harb na kilala rin bilang si Sayyid Ahmad at Abu Mustafa. Si Harb ay isang malapit na tagapayo ni Hassan Nasrallah na lider ng itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon) na Hizballah, at nagsilbi bilang hepe ng militar sa pakikipag-ugnayan ng grupo sa mga teroristang organisasyon ng Iran at Palestine. Pinamunuan at pinangasiwaan ni Harb ang mga operasyong militar ng Hizballah sa mga Teritoryong Palestino at ilang bansa sa buong Gitnang Silangan. Mula pa noong 2012, si Harb ay naging bahagi ng paglipat ng maraming pera sa mga kaalyado sa pulitiko ng Hizballah sa Yemen.

Noong Agosto 22, 2013, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Harb bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Harb na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Harb. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa FTO na Hizballah.

Skip to content