Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Junzō Okudaira para sa pagbomba sa USO Club sa Naples, Italy noong Abril 14, 1988. Ang pagsabog ay pumatay sa limang katao, kabilang ang isang babaeng sundalong Amerikano, at 15 pa ang nasugatan, kabilang ang mga sundalong Amerikano. Si Okudaira, isang miyembro ng teroristang grupong Japanese Red Army, ay nasakdal sa Estados Unidos noong Abril 9, 1993, dahil sa pag-atake sa USO Club. Suspek din siya sa pagbomba ng sasakyan at pag-atakeng gamit ang mortar noong Hunyo 1987 laban sa Embahada ng Estados Unidos sa Rome.
