Ang Japanese Red Army (JRA) ay binuo noong 1970 pagkatapos humiwalay sa Paksyong Japanese Communist League-Red Army. Ang mga nakasaad na mithiin ng JRA ay ibagsak ang pamahalaan at monarkiya ng Japan. Ang JRA ay nagsagawa ng maraming pag-atake sa buong mundo kabilang ang pag-atake noong 1972 sa Lod Airport sa Israel na pumatay sa 26 na katao at sinugatan ang 80, ang pagtatangkang pagsakop noong 1975 sa Embahada ng Estados Unidos sa Kuala Lumpur, at ang pagbomba sa USO Club noong 1988 sa Naples, Italy, na pumatay sa lima. Naaresto ang lider ng grupo noong 2000, at inanunsyo ng grupo ang mga plano nitong mabuwag noong 2001.
Noong Oktubre 8, 1997, itinalaga ng U.S. Department of State ang JRA bilang isang Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong Oktubre 8, 2001, binawi ng Department of State ang pagkakatalaga sa JRA bilang isang FTO.
