Ibrahim Ahmed Mahmoud al-Qosi

Aprika – Sub-Sahara | Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 4 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $4 milyon para sa impormasyon tungkol kay Ibrahim Ahmed Mahmoud al-Qosi na kilala rin bilang si Sheikh Khubayb al-Sudani at Mohammad Salah Ahmad. Si Al-Qosi ang nakakataas na lider ng al-Qa’ida in the Arabian Peninsula, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).

Sumali si al-Qosi sa AQAP noong 2014, ngunit matagal nang naging aktibo sa al-Qa’ida (AQ) at direktang nagtrabaho para sa namatay na ngayong lider ng AQ na si Usama bin Ladin ng maraming taon. Si al-Qosi ay nahuli sa Pakistan noong Disyembre 2001 bago mailipat sa Guantanamo Bay. Inamin niya ang pagkakasala noong 2010 sa harap ng komisyon ng militar sa pakikipagsabwatan sa AQ at pagbibigay ng materyal na suporta sa terorismo. Pinalaya ng Estados Unidos si al-Qosi at ibinalik siya sa Sudan noong 2012 alinsunod sa kasunduan bago ang paglilitis.

Simula pa noong 2015, lumabas si al-Qosi sa mga kagamitan sa pagrekrut sa AQAP at hinikayat ang mga solong pag-atake laban sa Estados Unidos sa online na propaganda. Siya ay nagsilbi bilang bahagi ng pangkat ng pamunuan na tumulong sa namatay na ngayong dating emir ng AQAP na si Qasim al-Rimi.

Skip to content