Hamad el Khairy

Aprika – Sub-Sahara | Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Hamad el Khairy na kilala rin bilang si Amada Ould Kheirou o Abou Qumqum, para sa kanyang papel bilang tagapagtatag na lider ng teroristang grupong Movement for Unity and Jihad in West Africa (MUJWA).

Sa ilalim ng pamumuno ni Khairy, ang mga miyembro ng MUJWA ay nagsagawa ng mga teroristang pag-atake at pagdukot sa mga banyagang diplomat at iba p ang mga indibidwal.  Inamin ni Khairy ang responsibilidad sa pagdukot noong sa pitong diplomat na taga-Algeria noong Abril 2012 sa Mali, at lumabas sa mga video ng MUJWA na pinagbabantaan ang mga tutol sa organisasyon.  Noong Enero 2012, ipinahayag ni Khairy na mithiin ng MUJWA ang “ipatupad ang batas ng sharia sa buong West Africa.”

Bago ang kanyang papel bilang pinuno ng MUJWA, si Khairy ay miyembro ng al-Qa’ida in the Islamic Maghreb at mga pinlanong teroristang operasyon laban sa Mauritania. Noong Oktubre 2011, inutos ni Khairy ang pagdukot sa tatlong Europeong nagkakawanggawa sa Algeria, kung saan dalawa ang nasugatan hatid ng barilan.

Noong Disyembre 7, 2012, itinalaga ng U.S. Department of State si Khairy bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Khairy na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Khairy.

Skip to content