Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $4 milyon para sa impormasyon tungkol kay Cemil Bayik. Si Bayik ay isang Miyembro ng Ehekutibong Komite, nakakataas na lider, at miyembrong tagapagtatag ng Kurdistan Workers Party (PKK) na kilala rin bilang Kongra-Gel. Ang PKK ay isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon).
Itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Bayik bilang isang Specially Designated Narcotics Trafficker (SDNK, Espesyal na Itinalagang Ilegal na Nangangalakal ng Narkotiks) alinsunod sa Foreign Narcotics Kingpin Designation Act (Kingpin Act) noong Abril 20, 2011.
