Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Ali Mohamed Rage. Si Rage ay ang pangunahing lider at punong tagapagsalita ng al-Shabaab, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon). Naging sangkot si Rage sa pagpaplano ng mga teroristang pag-atake sa Kenya at Somalia para sa grupo. Naging nangungunang tagapagsalita siya ng al-Shabaab noong Mayo 2009. Noong Agosto 6, 2021, siya ay itinalaga ng Department of State bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order (E.O.) 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito.
