Ang Al-Qa’ida sa Arabian Peninsula (AQAP) ay isang ekstremistang grupong nakabase sa Yemen na umusbong noong Enero 2009 kasunod ng pagsasanib ng mga teroristang elementong Yemeni at Saudi.
Kasama sa mga nakasaad na layunin ng AQAP ang pagtatatag ng caliphate at pagpapatupad ng batas ng Sharia sa Arabian Peninsula at sa mas malawak na Middle East. Pinuntirya ng AQAP ang mga interes na lokal, ng U.S., at Kanluranin sa Arabian Peninsula at saanmang panig ng mundo. Inamin ng grupo ang responsibilidad sa maraming akto ng terorismo kabilang ang pag-atake noong Enero 2015 sa mga tanggapan ng satirikal na pahayagan na Charlie Hebdo sa Paris na pumatay sa 12 katao.
Kaanib ng AQAP ang sentrong teroristang organisasyon ng al-Qa’ida (AQ) na malapit na nakikipagtulungan sa pandaigdigang liderato ng AQ upang puntiryahin ang mga taga-Kanluran na mambabasa at paigtingin ang kolaborasyon sa iba pang mga kaanib. Ang pangunahing kahalagahan ng AQAP sa organisasyon ay ang papel nito bilang kaugnayang pinansyal at pangangasiwa sa pagitan ng network ng buong AQ.
Naglunsad ang AQAP ng nabigong pagtatangka noong Disyembre 25, 2009 upang wasakin ang eroplano gamit ang bombang suot ng teroristang si terrorist Umar Farouk Abdulmutallab. Nagtago rin ang grupo ng mga pasabog sa loob ng mga printer ng computer na iniluluwas sa Estados Unidos sa loob ng dalawang pangkargong eroplano sa huling bahagi ng 2010; nadiskubre ang mga bomba at ginamitan ng proseso ng pagtatapon noong Oktubre 29, 2010, sa panahon ng mga panandaliang paglapag sa dalawang magkaibang lokasyon.
Noong Enero 19, 2010, itinalaga ng U.S. Department of State (Departamento ng Estado ng U.S.) ang AQAP bilang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act (Batas sa Imigrasyon at Pagkamamamayan), ayon sa pagkaka-amyenda rito, at bilang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkaka-amyenda rito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng AQAP na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa AQAP. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa AQAP.
