Ang Al-Qa‘ida in Iraq (AQI) ay itinatag noong 2014 ng namatay na teroristang si Abu Mus‘ab al-Zarqawi, na nanumpa ng katapatan ng grupo sa lider ng al-Qa’ida (AQ) na si Usama bin Ladin. Noong dekada 90, inorganisa ni al-Zarqawi ang teroristang grupong al-Tawhid wal-Jihad–ang naunang organisasyon sa AQI–upang tutulan ang presensya ng mga puwersang militar ng Estados Unidos at Kanluranin sa mundo ng Islam at ang suporta ng Kanluranin sa, at pagkakaroon ng, Israel. Nilakbay ni Al-Zarqawi ang Iraq noong Operation Iraqi Freedom — ang pagsakop ng Irag ng koalisyon ng mahigit 40 bansa na pinangunahan ng Estados Unidos — at pinamunuan ang kanyang grupo laban sa Estados Unidos at mga puwersang Koalisyon hanggang sa kanyang pagkamatay noong Hunyo 2006. Pinagtuunan ng AQI ang mga puwersang Koalisyon at Iraqi at mga sibilyan upang mapilitan ang mga dayuhang lisanin ang Iraq, bawasan ang popular na suporta ng mga Iraqi sa Estados Unidos at pamahalaang Iraqi, at kumuha ng mga rekrut. Noong Oktubre 2006, isinapubliko ng AQI ang pagpapangalan sa sarili nito bilang Estadong Islamic sa Iraq. Ang grupo ay naging Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) noong 2013 pagkatapos nitong humiwalay sa AQ.
Noong Disyembre 17, 2004, itinalaga ng U.S. Department of State ang AQI (kilala na ngayon bilang ISIS) bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Oktubre 15, 2004, itinalaga ng U.S. Department of State ang AQI bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng ISIS na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa ISIS. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa ISIS.
