Al-Mourabitoun

Gantimpala

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Al-Murabitoun, na orihinal na bahagi ng al-Qa’ida in the Islamic Maghreb (AQIM), ay naging hiwalay na organisasyon sa huling bahagi ng 2012 pagkatapos humiwalay sa AQIM ang lider nitong si Mokhtar Belmokhtar. Pagkatapos mahiwalay, si Belmokhtar ay nanakot na labanan ang mga Kanluraning interes at inanunsyo ang paglikha ng al-Mulathamun Battalion. Noong 2013, inanunsyo ng al-Mulathamun Battalion at Movement for Unity and Jihad in West Africa (MUJAO) na nakabase sa Mali na nagsanib ang dalawang organisasyon sa ilalim ng pangalang “al-Murabitoun.” Noong 2015, inanunsyo ng al-Mourabitoun ang muling pakikipagsanib sa AQIM. Ang Al-Mourabitoun ay nakipagsanib noong 2017 sa tatlong iba pang panrehiyong teroristang grupo upang buuin ang Jama’at Nasr al-Islam wal Muslimin (JNIM).

Noong Enero 2013, ang kilala na ngayong al-Murabitoun ay umamin sa responsibilidad para sa pag-atake laban sa pasilidad ng gas sa Tiguentourine na malapit sa In Amenas, sa timog-silangang Algeria. Mahigit 800 katao ang ginawag bihag sa panahon ng apat-na-araw na pagkubkob. Tatlumpu’t siyam na sibilyan, kabilang ang tatlong mamamayan ng Estados Unidos, ang napatay sa pag-atake. Noong Nobyembre 2015, ang mga operatiba ng al-Murabitoun ay inatake ang Radisson Blu Hotel sa Bamako at ginawang bihag ang mahigit 170 katao–kabilangang mga mamamayan ng Estados Unidos. Halos 27 katao ang napatay sa pag-atake, ang isa sa mga ito ay ang pandaigdigang manggagawa sa pagpapaunlad na taga-Estados Unidos. Ang Al-Murabitoun ay iniulat na sangkot sa pag-atake ng AQIM noong Enero 2016 sa isang popular na hotel na panturista sa Burkina Faso na pumatay sa halos 30 katao, kabilang ang isang mamamayan ng Estados Unidos.

Noong Disyembre 19, 2013, itinalaga ng U.S. Department of State ang al-Murabitoun, na orihinal na nasa ilalim ng pangalang al-Mulathamun Battalion bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Disyembre 18, 2013, itinalaga ng U.S. Department of State ang al-Mulathamun Battalion bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Ang Al-Murabitoun ang nananatiling pangunahing pangalan ng grupo. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng grupo na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa al-Murabitoun/al-Mulathamun Battalion. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa al-Murabitoun/al-Mulathamun Battalion.

Skip to content