Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga pinansyal na mekanismo ng teroristang organisasyong Hamas, na kilala rin bilang Harakat al-Muqawama al-Islamiya.
Si Ahmed Sadu Jahleb ay ang operatiba ng Hamas at bahagi ng investment network ng Hamas sa Turkey. Si Jahleb ay nagsisilbi bilang kalihim sa investment portfolio ng Hamas at pinag-uugnay ang iba’t ibang aktibidad para sa mga kumpanyang kontrolado ng Hamas at opisyal ng Hamas.
Noong Oktubre 18, 2023, itinalaga ng U.S. Department of Treasury (Kagawaran ng Pananalapi ng U.S.) si Jahleb bilang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) sa ilalim ng Executive 13224, ayon sa pagkakaamyenda rito. Ang pagtatalagang iyon ay humahadlang sa mga pag-aari ng mga dayuhang indibidwal at entidad na nagsasagawa, o nagiging malaking banta sa paggawa, ng mga akto ng terorismo. Bukod dito, inaawtorisahan ng Utos ang pamahalaan ng U.S. na hadlangan ang mga pag-aari ng mga indibidwal at entidad na nagbibigay ng suporta, mga serbisyo, o tulong sa, o sa ibang paraan ay nauugnay sa, mga terorista at teroristang organisasyon na itinalaga sa ilalim ng Utos, pati na rin ang mga subsidyaryo nito, pangharap na organisasyon, ahensya, at kaanib.
