Adham Husayn Tabaja

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 10 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga mekanismong pampinansyal ng Hizballah. Si Adham Husyan Tabaja na kilala rin bilang si Adham Tabaja, ay isang miyembro ng Hizballah na nagpapanatili ng direktang ugnayan sa mga nakakataas na elemento ng organisasyon ng Hizballah, kabilang ang bahaging operasyon ng teroristang grupong Islamic Jihad.

Si Tabaja ay may hawak ding mga ari-arian sa Lebanon sa ngalan ng Hizballah. Siya ang may-ari ng pinakamalaking bahagi ng kumpanya ng real estate at konstuksyon na Al-Inmaa Group for Tourism Works na nakabase sa Lebanon, na pinarurusahan ng U.S. Department of Treasury noong Hunyo 2015. Ang kumpanya ng Tabaja na Al-Inmaa Engineering and Contracting ay naging isa sa pinakamalaki at pinakamatagumpay na negosyong real estate sa Lebanon mula pa noong huling bahagi ng dekada 90 at ginamit ng Hizballah bilang mekanismo sa pamumuhunan. Noong 2006, ginamit ni Tabaja ang kanyang mga kaugnayan sa pamunuan ng Hizballah upang lumikha ng monopolyo sa konstruksyon para sa Al-Inmaa Engineering and Contracting sa seksyon ng Dahieh ng Beirut at katimugan ng Lebanon na kontrolado ng Hizballah. Kamakailan lang, ginamit ni Tabaja ang mga sangay sa Irag ng Al-Inmaa Engineering and Contracting upang makakuha ng mga proyekto ng pagpapaunlad para sa langis at konstruksyon sa Iraq na nagbibigay ng parehong pinansyal na suporta at imprastruktura ng organisasyonn sa Hizballah. Si Tabaja at ang kanyang mga kumpanya ay hinangad ding makuha ang mga kontrata ng negosyong malaki ang kita sa mga lugar na Green Zone sa Baghdad, Iraq. Si Tabaja ay nakipagtulungan sa mga opisyal ng Hizballah, kabilang ang pulitikal na opisyal ng Hizballah na si Muhammad Kawtharani, para sa mga proyektong ito.

Noong Hunyo 10, 2015, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Tabaja bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Tabaja na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Tabaja. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa Hizballah, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon). Itinalaga rin ng Saudi Arabia si Tabaja at ang kanyang mga kasama nilang mga teroristang entidad.

Skip to content