Abu Sayyaf Group (ASG)

Silangang Asya at Pasipiko

Gantimpala

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Abu Sayyaf Group (ASG) ay humiwalay sa Moro National Liberation Front sa unang bahagi ng dekada 90 at isa ito sa mga pinakamarahas na teroristang grupo sa Pilipinas. Sa umpisa pa lamang ay naimpluwensyahan na ng al-Qa’ida, itinataguyod ng ASG ang malayang estadong Islamiko sa kanlurang Mindanao at Kapuluan ng Sulu. Kamakailan, ang mga elemento ng grupo ay nagtatag ng mga ugnayan sa panrehiyong kaanib ng ISIS na ISIS-Philippines. Ang grupo ay nakagawa ng mga gawang terorismo sa buong Pilipinas kabilang ang mga pagbomba, pagpatay, at pagdukot na may pantubos.

Noong Oktubre 8, 1997, itinalaga ng U.S. Department of State ang ASG bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Kalaunan, noong Setyembre 23, 2001, ang ASG ay inilista sa Annex sa Executive Order 13224. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ng ASG na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa ASG. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa ASG.

Skip to content