Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $2 milyon para sa impormasyon tungkol kay Abdullah Nowbahar. Si Nowbahar ay isang dalubhasa sa mga pasabog na nauugnay sa Hezb-e Islami Gulbuddin (HIG) at isang miyembro ng network na umaatake ni Abdul Saboor na isang tagagawa ng bomba para sa HIG. Si Nowbahar at si Saboor ay mga pangunahing sangkot sa pag-atake gamit ang sasakyang may bomba noong Setyembre 18, 2012 laban sa isang bus na lulan ang mga dayuhang empleyado papuntang Kabul International Airport sa Afghanistan. Ang pagsabog ay pumatay sa 12 katao.
Noong Marso 10, 2016, itinalaga ng U.S. Department of State si Nowbahar bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Nowbahar na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Nowbahar.
