Abdul Saboor

Timog at Gitnang Asya

Gantimpala

Hanggang 3 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $3 milyon para sa impormasyon tungkol kay Abdul Saboor. Si Saboor ay isang dalubhasa sa mga pasabog na nauugnay sa Hezb-e Islami Gulbuddin (HIG). Siya ay responsable sa pagpapatiwakal na pag-atake noong Mayo 16, 2013 gamit ang ginawang pasabog na lulan ng sasakyan sa Kabul, Afghanistan. Ang pag-atake ay pumatay sa dalawang sundalong Amerikano at apat na kontratistang Amerikano. Ang pagsabog ay pumatay rin sa walong Afghan — kabilang ang dalawang bata, sinugatan ang 37 iba pa, at sumira sa armadong sasakyan ng Estados Unidos.

Si Saboor at ang dalubhasa sa mga pasabog ng HIG na si Abdullah Nowbahar ay ang mga pangunahing sangkot sa pag-atake ng SVBIED noong Setyembre 18, 2012 laban sa isang bus na naghahatid sa mga dayuhang empleyado papuntang Kabul International Airport sa Afghanistan. Ang pagsabog ay pumatay sa 12 katao.

Noong Marso 10, 2016, itinalaga ng U.S. Department of State si Saboor bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Saboor na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Saboor.

Skip to content