Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $15 milyon para sa impormasyon tungkol sa mga pinansyal na aktibidad, network, at may kaugnayan kay Abdul Reza Shahla’i na kilala rin bilang si ‘Yusuf Abu al-Karkh’ at Hajji Yusef. Si Shahla’i ay isang komandante na mataas ang ranggo sa Iran’s Islamic Revolutionary Guard Corps–Qods Force (IRGC-QF) na nakabase sa Sanaa, Yemen. Si Shahla’i ay may mahabang kasaysayan ng pagpuntirya sa mga Amerikano at mga kaalyado ng Estados Unidos sa buong mundo.
Pinlano ni Shahla’i ang maraming pagpatay sa mga puwersang koalisyon sa Iraq, nagbigay ng mga sandata at pampasabog sa mga ekstremistang grupo ng Shia, at pinlano ang pag-atake sa Karbala, Iraq noong Enero 20, 2007 na pumatay sa limang sundalong Amerikano at sinugatan ang tatlong iba pa.
Bilang tagapinansya at nakakataas na opisyal ng IRGC, noong 2001 ay pinondohan at dinirekta ni Shahla’i ang planong patayin ang Embahador ng Saudi sa Estados Unidos sa Washington, D.C. Pinlano rin ni Shahla’i ang mga sumunod na pag-atake sa loob ng Estados Unidos at sa iba pang lugar. Kung nagtagumpay ang planong ito, kasindami ng 200 inosenteng sibilyang sa Estados Unidos ang maaaring namatay.
Noong Oktubre 11, 2011, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Shahla’i bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan noong 2008, itinalaga ng Department of Treasury si Shahla’i alinsunod sa Executive Order 13438 dahil sa pagbabanta sa kapayapaan at katatagan sa Irad at sa Pamahalaan ng Iraq. Bilang resulta ng mga aksyong ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Shahla’i na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Shahla’i. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta sa IRGC, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon). Itinalaga rin siya ng Bahrain, European Union, Saudi Arabia, at ng United Kingdom noong 2018. Dahil sa pagtatalagang ito, bukod sa iba pang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Shahla’i na napapailalim sa hurisdiksyon ng U.S. ay hinadlangan, at karaniwan nang pinagbabawalan ang mga tao sa U.S. na pumasok sa anumang pakikipagtransaksyon kay Shahla’i. Karagdagan pa, isang krimen ang sinasadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabuwatang magbigay, ng materyal na suporta sa IRGC, na tinukoy ng U.S. bilang isang Organisasyon ng Dayuhang Terorista. Tinukoy rin siya ng Bahrain, Erupoean Union, Saudi Arabia, at United Kingdom noong 2018.
