Abdelbasit Hamza Elhassan Mohamed Khair

Aprika – Sub-Sahara

Gantimpala

Hanggang 10 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga pinansyal na mekanismo ng teroristang organisasyong Hamas, na kilala rin bilang Harakat al-Muqawama al-Islamiya.

Si Abdelbasit Hamza Elhassan Mohamed Khair ay isang nagtutustos na nakabase sa Sudan na namahala sa maraming kumpanyang nasa investment portfolio ng Hamas. Siya ay may matagal nang kaugnayang pinansyal sa al-Qa’ida at sa mga kumpanya sa Sudan na nauugnay kay Usama bin Laden.

Dati siyang kangkot sa paglipat ng halos $20 milyon sa Hamas, kabilang ang mga pondong direktang ipinadala sa nakatataas na pinansyal na opisyal ng Hamas at sa itinalaga ng U.S. bilang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) na si Mahir Jawad Yunis Salah.

Ang paglilinis ng pera ni Hamza at ang network ng paglikom ng kita para sa Hamas ay kinabibilangan ng nakabase sa Sudan na Al Rowad Real Estate Development, Zawaya Group for Development and Investment Co. LTD, at Larrycom for Investment Company, pati na rin ang nakabase sa Spain na Zawaya Group for Development Investment Sociedad Limitada. Itinalaga ng U.S. Department of Treasury (Kagawaran ng Pananalapi ng U.S. ang lahat ng apat na entidad bilang mga SDGT.

Noong Oktubre 18, 2023, itinalaga ng U.S. Department of Treasury (Kagawaran ng Pananalapi ng U.S.) si Hamza bilang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) sa ilalim ng Executive 13224, ayon sa pagkakaamyenda rito. Ang pagtatalagang iyon ay humahadlang sa mga pag-aari ng mga dayuhang indibidwal at entidad na nagsasagawa, o nagiging malaking banta sa paggawa, ng mga akto ng terorismo. Bukod dito, inaawtorisahan ng Utos ang pamahalaan ng U.S. na hadlangan ang mga pag-aari ng mga indibidwal at entidad na nagbibigay ng suporta, mga serbisyo, o tulong sa, o sa ibang paraan ay nauugnay sa, mga terorista at teroristang organisasyon na itinalaga sa ilalim ng Utos, pati na rin ang mga subsidyaryo nito, pangharap na organisasyon, ahensya, at kaanib.

Skip to content