Tungkol sa Amin

Pinakamahuhusay na gawain ng TOR

Mayroong maraming paraan para mapaigting ang iyong personal na seguridad habang ginagamit ang browser na The Onion Router (TOR). Bukod sa paggamit ng TOR, inirerekomenda namin ang paggamit ng mga pinagkakatiwalaang serbisyo ng Virtual Private Network (VPN) upang higit pang mapaigting ang seguridad ng iyong web traffic. Sa pamamagitan ng pagkonekta sa isang lokasyon ng server sa labas ng sariling bansa bago gamitin ang TOR, higit pang napoprotektahan mula sa pagsubaybay ang iyong web traffic. Sa loob ng TOR browser, mayroong ilang karagdagang configuration ang inirerekomenda sa loob ng seksyon sa “kaligtasan at seguridad” sa loob ng TOR. Una, i-enable ang iyong VPN. Pagkatapos:

  1. I-launch ang TOR browser
  2. Pumunta sa TOR settings at piliin ang “Privacy and Security” (“Pagkapribado at Seguridad”)
  3. Lagyan ng tsek ang kahon na “Delete cookies and site data when TOR browser is closed” (“Burahin ang cookies at site date kapag isinara ang TOR browser”)
  4. Mag-scroll pababa sa seksyon sa History (Kasaysayan): Baguhin ang settings sa “Never remember history” (“Huwag kailanman tandaan ang kasaysayan”)
  5. Mag-scroll pababa sa Permissions (“Mga Pahintulot”): i-click ang settings para sa camera, lagyan ng tsek ang “Block new requests asking to access your camera” (“Hadlangan ang mga bagong kahilingan hinihingi ang pag-access sa iyong camera”). Gawin din ito para sa microphone. Para sa dagdag na seguridad, takpan ang iyong harapang camera sa iyong device gamit ang tape o isang blocker.
  6. Mag-scroll papunta sa security (seguridad): i-click ang “Safest” (“Pinakaligtas”). Sa pamamagitan nito ay madi-disable ang mga partikular na function sa loob ng TOR ngunit magpapahintulot ng pinakaligtas na koneksyon.
  7. Mag-scroll papunta sa HTTPS-Only Mode: I-click ang Enable HTTPS-Only mode (Pahintulutan ang mode na HTTPS lamang) sa lahat ng windows. Sisiguraduhin nito na ang lahat ng iyong koneksyon ay naka-encrypt at ligtas.
  8. Pumunta sa “TOR” setting sa ilalim ng “Privacy and Security”
  9. Lagyan ng tsek ang kahong “Use a bridge” (“Gumamit ng bridge”)
  10. I-click ang “Request a bridge from torproject.org” (“Humiling ng bridge mula sa torproject.org”)
  11. I-enter ang captcha.
  12. Gamitin ang https://coveryourtracks.eff.org at https://ipleak.net upang makita kung ano pang matutukoy na impormasyon ang mayroon na sa natatanging paraan ay matutukoy ang iyong computer at web traffic.

Mga ligtas na paraan upang kumonekta sa TOR at sa TOR tip line ng Reward for Justice:

  1. Gumamit ng isang pinagkakatiwalaang serbisyo ng VPN na binabayaran mo. Ang mga libreng serbisyo ng VPN ay maaaring hindi laging ligtas.
  2. Ikonekta ang iyong device gamit ang pinagkakatiwalaang serbisyo ng VPN sa lokasyong nasa labas ng bansa mula sa kung saan mo ina-access ang TOR.
  3. I-launch ang TOR browser
  4. I-configure ang TOR security settings nang ayon sa tingin mo ay tama.
  5. Para sa dagdag na seguridad, gumamit ng pisikal na proxy gaya ng mula sa isang coffee shop o lobby ng hotel nang sa gayon ay hindi matukoy ng koneksyon ang iyong pisikal na home location.

Mga link sa impormasyon ng TOR tungkol sa kaligtasan at seguridad:

  1. Impormasyon tungkol sa TOR Bridges: Visit External Link.
  2. Impormasyon tungkol sa seguridad ng TOR: https://tb-manual.torproject.org/security-settings/.

Skip to content