Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga pinansyal na mekanismo ng teroristang organisasyong Hamas, na kilala rin bilang Harakat al-Muqawama al-Islamiya.
Si Walid Mohammed Mustafa Jadallah ay isang mamamayan ng Jordan, operatiba ng Hamas, at bahagi ng investment network ng Hamas. Nakabase sa Turkey, nagsisilbi siya sa mga lupon ng ilang kumpanyang nasa investment portfolio ng Hamas.
Noong Oktubre 18, 2023, itinalaga ng U.S. Department of Treasury (Kagawaran ng Pananalapi ng U.S.) si Jadallah bilang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) sa ilalim ng Executive 13224, ayon sa pagkakaamyenda rito. Ang pagtatalagang iyon ay humahadlang sa mga pag-aari ng mga dayuhang indibidwal at entidad na nagsasagawa, o nagiging malaking banta sa paggawa, ng mga akto ng terorismo. Bukod dito, inaawtorisahan ng Utos ang pamahalaan ng U.S. na hadlangan ang mga pag-aari ng mga indibidwal at entidad na nagbibigay ng suporta, mga serbisyo, o tulong sa, o sa ibang paraan ay nauugnay sa, mga terorista at teroristang organisasyon na itinalaga sa ilalim ng Utos, pati na rin ang mga subsidyaryo nito, pangharap na organisasyon, ahensya, at kaanib.
