Amer Kamal Sharif Alshawa

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 10 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga pinansyal na mekanismo ng teroristang organisasyong Hamas, na kilala rin bilang Harakat al-Muqawama al-Islamiya.

Si Amer Kamal Sharif Alshawa ay ang punong ehekutibong opisyal para sa Trend GYO na nakabase sa Turkey, isang pondong investment para sa real estate na nauugnay sa Hamas. Nagsilbi siya bilang miyembro ng lupon sa ilang kumpanyang nasa investment portfolio ng Hamas.

Mula 2018, hawak ng Hamas ang tinatayang 75 porsyento ng naisyung kapital ng Trend GYO. Bukod dito, nagplano ang Hamas na pribadong mag-isyu ng mahigit $15 milyon ng mga share ng Trend GYO sa mga nakatataas na opisyal sa investment portfolio.

Noong Oktubre 18, 2023, itinalaga ng U.S. Department of Treasury (Kagawaran ng Pananalapi ng U.S.) si Alshawa bilang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) sa ilalim ng Executive 13224, ayon sa pagkakaamyenda rito. Ang pagtatalagang iyon ay humahadlang sa mga pag-aari ng mga dayuhang indibidwal at entidad na nagsasagawa, o nagiging malaking banta sa paggawa, ng mga akto ng terorismo. Bukod dito, inaawtorisahan ng Utos ang pamahalaan ng U.S. na hadlangan ang mga pag-aari ng mga indibidwal at entidad na nagbibigay ng suporta, mga serbisyo, o tulong sa, o sa ibang paraan ay nauugnay sa, mga terorista at teroristang organisasyon na itinalaga sa ilalim ng Utos, pati na rin ang mga subsidyaryo nito, pangharap na organisasyon, ahensya, at kaanib.

Skip to content