Abukar Ali Adan

Aprika – Sub-Sahara

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Si Adan ay ang deputadong lider ng al-Shabaab. Siya ang naging puno ng militar ng al-Shabaab ng ilang taon pagkatapos niyang dating pamunuan ang Jabhat, ang militar na sangay ng al-Shabaab.

Noong Enero 2018, itinalaga ng Department of State (Kagawaran ng Estado) si Abukar Ali Adan bilang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) ilalim ng Executive Order (E.O., Ehekutibong Utos) 13224 na nagpapataw ng mahihigpit na parusa sa mga dayuhang indibidwal na natagpuang nakagawa, o isang malaking panganib na gumawa ng, mga akto ng terorismo na banta sa seguridad ng mga mamamayan ng U.S. o seguridad ng bansa, patakarang panlabas, at ekonomiya ng Estados Unidos. Siya rin ay nakalista sa ilalim ng mga parusa ng UN alinsunod sa resolusyon ng UN 1844 (2008) dahil sa pagkakasangkot sa o pagbibigay ng suporta para sa mga aktong banta sa kapayapaan, seguridad o katatagan ng Somalia at mga peacekeeper. Bukod dito, may kaugnayan si Adan sa mga kaanib ng al-Qaida sa Arabian Peninsula at al-Qaida sa Islamikong Maghreb.

 

Skip to content