Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Abdullahi Osman Mohamed.
Si Mohamed, na kilala rin bilang si Engineer Ismail, ay ang nakatataas na eksperto sa mga pasabog para sa teroristang grupong al-Shabaab. Responsable siya sa pangkabuuang pamamahala sa mga operasyon at paggawa ng mga pasabog ng al-Shabaab. Si Mohamed ay isa ring espesyal na tagapayo sa tinaguriang “emir” ng al-Shabaab at ang lider ng sangay ng media ng al-Shabaab na al-Kataib.
Noong Nobyembre 17, 2020, itinalaga ng U.S. Department of State (Kagawaran ng Estado ng U.S.) si Mohamed bilang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) sa ilalim ng seksyon 1(a)(ii)(B) ng Executive Order (E.O., Ehekutibong Utos) 13224.
