Ibrahim Aqil

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 7 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Naghahandog ang Rewards for Justice ng gantimpalang hanggang $7 milyon para sa impormasyon tungkol sa lider ng Hizballah na si Ibrahim Aqil.

Si Ibrahim Aqil, na kilala rin bilang si Tahsin, ay nagsisilbi sa pinakamataas na hukbong militar ng Hizballa, ang Jihad Council.

Noong dekada 80, pangunahing miyembro ni Aqil ng Islamic Jihad Organization—teroristang selula ng Hizballah—na umako sa mga pagbobomba sa Embahada ng U.S. sa Beirut noong 1983, na pumatay sa 63 katao, at sa baraks ng Hukbong Marino ng U.S. noong Oktubre 19183, na pumatay sa 241 tauhan ng U.S.

Noong dekada 80, iniutos ni Aqil ang pagbihag sa mga Amerikano at Aleman sa Lebanon at binihag sila roon.

Noong Hulyo 21, 2015, itinalaga ng U.S. Department of the Treasury si Aqil alinsunod sa Executive Order 13582 para sa pagganap para sa o sa ngalan ng Hizballah. Sumunod nito, noong Setyembre 10, 2019, itinalaga ng U.S. Department of State si Aqil bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito.

Skip to content