Pagpatay kay Shakeel Khan (Johnson City, New York | Marso 30, 2019)

Kanlurang Emisperyo | Timog at Gitnang Asya

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Naghahandog ang Rewards for Justice ng hanggang $5 milyon para sa impormasyong mauuwi sa pag-aresto at pagkahatol sa anumang bansa ng sinumang indibidwal na nakagawa, nagtangka o nakipagsabwatang gumawa, o tumulong sa pagpatay kay Shakeel Khan.

Noong gabi ng Marso 30, 2019, si Khan, isang may-ari ng restawran at legal na permanenteng residente ng Estados Unidos, ay pinaslang sa istilong eksekyusyon sa labas ng restawran na kanyang pagmamay-ari sa Johnson City, New York. Binaril si Khan ng nag-iisang armadong lalaki habang isinasara niya ang kanyang negosyo para sa gabing iyon.

Ang 50 taong gulang na si Khan, na mula sa rehuyon ng Swat sa Pakistan, hayagan siyang nakikibahagi sa mga pulitikal na aktibidad na tumututol sa mga teroristang organisasyon sa bansang iyon.

Ang U.S. Attorney’s Office para sa Northern District ng New York at ang Joint Terrorism Task Force ng FBI ay nag-iimbestiga sa kanyang pagpatay.

Skip to content