Seka Musa Baluku

Aprika – Sub-Sahara

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa lider ng ISIS-DRC na si Seka Musa Baluku.

Sa ilalim ng pamumuno ni Seka Musa Baluku, tina-target, pinapatay, binubugbog, ginagahasa, at nagsasagawa ng iba pang sekswal na karahasan at nakikibahagi sa pagdukot sa mga sibilyan, kabilang na ang mga bata. Kinukuha at ginagamit din ng grupo ang mga bata sa panahon ng mga pag-atake at sa puwersahang pagpapatrabaho sa teritoryo ng Beni ni DRC. Ang ISIS-DRC, na kilala rin bilang Allied Democratic Forces (ADF) at ang Madina sa Tauheed Wau Mujahedeen, bukod sa iba pang mga pangalan, ay sumalakay nang may brutal na karahasan laban sa mga mamamayan ng Congo at puwersang militar sa rehiyon sa buong probinsya ng North Kivu at Ituri sa Eastern DRC. Pinatay ng grupo ang mahigit 849 na sibilyan noon lamang 2020, ayon sa UN Security Council.

Noong Marso 2021, itinalaga ng Department of State si Baluku bilang isang Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista). Sa parehong pagkakataon, itinalaga rin ng Department ang ISIS-DRC bilang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) at bilang isang SDGT.

Bilang resulta ng mga pagtatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ng mga itinalaga na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa kanila. Ang mga dayuhang pinansyal na institusyon na sadyang nagsasagawa o nangangasiwa sa anumang malaking transaksyon sa ngalan ni Baluku o ng ISIS-DRC ay maaaring sumailalim sa mga parusa ng U.S. sa katumbas na account at pagbabayarang account. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa ISIS-DRC o magtangka o makipagsabwatang gawin ito.

Dati nang naparusahan ang ADF ng U.S. Department of Treasury at ng United Nations sa ilalim ng mga parusa sa rehimen ng DRC ng UN Security Council noong 2014 para sa karahasan at mga pamiminsala nito. Pinarusahan din ng U.S. Department of Treasury si Baluku at lima pang ibang miyembro ng ADF noong 2019 sa ilalim ng programa ng mga parusa ng Global Magnitsky para sa kanilang papel sa malubhang pang-aabuso sa mga karapatang pantao. Noong 2020, itinalaga ng UN si Baluku para sa mga karagdagang parusa sa ilalim ng programa ng parusa ng DRC nito.

Skip to content